fbpx

Pasasalamat Sa Pagpapatunay Ng “Universal Health Coverage” Bill

The Cancer Voice Asia | Pasasalamat sa Pangulong Duterte. Photo by rawpixel on Unsplash.

Bilang isa sa mga Pilipinong nakaligtas sa panganib ng cancer ako po ay nasisiyahan sa karapatang mauna ang Universal Health Coverage bill sa ating bansa.

Sa ngayun, wala man ako sa lupa kung saan ako ay isinilang, kahati ng aking puso ay nasa ating bansa kung saan ang mga malalapit kong mga kaibigan na napagdaan din ang peligro ng cancer ay mabigyan ng maraming pag-asa. Hindi lahat na tao na may kanser ay agaran mawawala na sa mundong ito. Kahit na marinig natin kung ang isang kaibigan o kapamilya may kanser kaagad na mamamatay. Ang kailangan natin ay sapat at marami pang impormasyun at kaalaman hinggil sa anung klaseng tumor ang tumutubo sa katawan ng isang tao.

Bilang tagataguyod ng The Cancer Voice Asia at sa lalo na sa Vietnam, malungkot na mabatid ko ang mapanglaw na kalagayan ng mga bata na may kanser na nakilala ko tuwing ako ay bumibisita sa isa sa mga ospital dito sa Saigon.

Na kung halos isipin, mapalad po tayung mga Pilipino na marami sa mga nakaranas ng kanser ay aktibo sa pagkalat ng kamalayan hinggil sa kanser. Isa na diyan ang Sarcoma Philippines, kung saan ako ay parte ng kalipunan para sa mga taong nagkaroon ng Sarcoma, isang hindi pangkariniwang sakit – nakamamatay na bukol na gawa ng mga buto ng cancelelong buto, kartilago, taba, kalamnan, vascular, o hematopoietic ay, sa pamamagitan ng kahulugan, ay isinasaalang-alang na sarcoma.

Ang Sarcoma Philippines ay pinangangasiwa nina Zimon Lomboy at Beri Juico, kung saan, nagawa nila na matipon at makipag-ugnay sa kapwa cancer survivor.

Sa isang banda, ako rin ay nagagalak na marinig ko na ang aking bayan, Iloilo City, ay magkakaroon na ng Cancer Building sa isa sa mga Pamahalaang Ospital ayon sa aking tinuturing na role model, tagapayo at ate na si Jam Jam Baronda.

Sa lahat ng Kapulungan ng mga Kinatawan, Pangulong Rodrigo Duterte, Senador JV Ejercito, at Presidential Spokesperson Harry Roque — maraming salamat sa pagtuon ng pansin na mapabuti pa ang serbisyo sa pangangalaga sa kalusugun at sana po ay lalo na ang nakakamatay na sakit na kanser.

At bago matapos ang artikulo na ito, gusto kong ipahatid sa lahat na isa po ako sa mga nakinabang sa serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng PhilHealth na matugunan ang palapat ng lunas matapos ako maoperahan dito sa Vietnam. Sa tulong din ng aking mga matatalinong mga doktor sa Philippine General Hospital, Manila.

Ang tanging nais ko lang ay mapabuti pa ang pagbigay ng karapatang mauna sa atin bansa ang problema sa kalusugan ng ating mamamayan.

Maraming salamat at mabuhay ang bawat Pilipino!

🌐 I’m the author of “The Cancer Voice Asia”, and I want to share my experience with cancer to help you through yours. We create a special network of people living with similar experiences that allows us to empower ourselves and helps us to fight against the disease.
👩‍🔬I was diagnosed with Leiomyosarcome in 2016, when I was 29 years old. My healing journey becomes your healing journey, and I want to use this platform to inspire people all over the world.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping cart

Subtotal
Shipping and discount codes are added at checkout.
Checkout